Saturday, February 21, 2026

Pagtitipon ng basura kapalit ng bigas, isinulong sa Kamara

Inihain ni Pampanga 1st District Rep. Carmelo Lazatin sa Kamara ang House Bill 7781 o “Walang Plastikan, Palit-Bigas Bill.”

Inaatasan ng panukala ang mga lokal na pamahalaan sa bawat lalawigan, lungsod, at munisipalidad na hikayatin ang kanilang mga nasasakupan na tipunin ang kanilang mga plastic na basura na maaaring i-recycle kapalit ng bigas.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng “Walang Plastikan, Palit-Bigas Program” na ipapaloob sa ten-year solid waste management plan ng mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Lazatin, matagumpay nang ipinapatupad ang ganitong mekanismo sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Naniniwala si Lazatin na ang naturang programa ay epektibong makatutulong sa pagtugon sa matinding problema ng bansa sa basura.

Facebook Comments