Nakiisa sa naganap na pagtitipon ang mga Muslim na nagmula sa iba’t-ibang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan upang kaugnay sa idinaos na EId’l Fitr noong April, 22 sa bayan ng Mangaldan.
Tumutukoy ang Eid’l Fitr sa Feast of Breaking the Fast o ang pagtatapos ng isang buwang-habang pag-aayuno mula bukang-liwayway hanggang paglubog ng araw ng Ramadan.
Layon nitong mas paigtingin pa ang pananampalataya, pagkakaisa at pagmamahalan ng mga kaanib ng relihiyong Islam.
Samantala, itinatag ng gobyerno noong 2002 ang Eid’l Fitr bilang isang regular holiday sa bisa ng Republic Act 9177 at Presidential Proclamation 1083, na nilagdaan bilang batas noong Nobyembre 2002. |ifmnews
Facebook Comments