Pagtitiwala ni PBBM, mas mahalaga kay Usec. Cheloy Garafil

Walang problema kay Atty. Cheloy Garafil kung officer-in-charge (OIC) man ang status niya sa Office of the Press Secretary o OPS.

Sa panayam ng Malacanang Press Corps kay Garafil, sinabi nitong mas importante sa kanya ay ang trust and confidence na ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) para pamunuan ang OPS.

Hindi aniya mahalaga sa kanya kung OIC man ang kanyang estado sa kanyang bagong trabaho dahil ang malaking pagkakataon aniya ang ipinagkaloob sa kanya ng presidente na makatulong sa Office of the Press Secretary.


Nang nakaraang linggo daw siya ipinatawag ni Pangulong Marcos at inialok sa kanya ang pwesto.

Sinabi ng punong ehekutibo na kailangan niya ng isang taong maaaring makatulong sa nasabing tanggapan na agad naman niyang tinanggap.

Si Garafil ay dating TV reporter at naging print journalist din, siya rin ay abogado at nagsilbi bilang dating Chief of Staff ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Facebook Comments