Ang Mine Rehabilitation Fund (MRF) ang siyang namamahala, nagpapatakbo at nagsisiguro sa kaligtasan ng mga MRF sa mga kumpanyang nagmimina sa rehiyon gaya ng Dinapigue Mining Corporation, FCF Minerals Corporation, at OceanaGold Philippines, Incorporated.
Hinimok naman ni DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ang mga miyembro ng monitoring team na gawing bahagi ng research arm ang MRFC sa pagbibigay ng rekomendasyon na makakatulong sa paggawa ng desisyon at ang pagpapabuti sa operasyon ng mga mining companies.
Giit nito, kailangang magkaroon ng balance development at conservation sa operasyon ng pagmimina.
Bagama’t malaking tulong ang pagmimina sa ekonomiya ng bansa ay kasabay nito ang mahigpit na pagbabantay sa pagsunod ng mining companies sa environmental rules and regulations.
Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat ang ahensya sa lahat ng mining companies sa kanilang suporta sa National Greening Program.