Pagtitiyak ng PNP ng maximum tolerance sa mga rally sa Lunes, welcome sa CHR

Ikinalugod ng Commission on Human Rights (CHR) ang pangako ng Philippine National Police (PNP) na ipaiiral ang maximum tolerance sa pagkontrol sa mga protesta sa Lunes, kasabay ng ikalawang State of Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Umaasa ang CHR na mapapangatawanan ng law enforcers ang kanilang pangako.

Pinaalalahanan din ng CHR ang mga magpoprotesta na kilalanin ang Batas Pambansa Bilang 880 (BP 880), gaya ng pagkuha ng permit bago makapagsagawa ng aktibidad maliban kung isasagawa ito sa mga freedom park.


Magpapakalat naman ang CHR ng investigators at mga abogado upang i-monitor ang pangyayari sa kasagsagan ng mga kilos protesta.

Facebook Comments