Pagtiyak kung ligtas at epektibo ang Covaxin COVID-19 vaccine, iniapela ni Galvaz sa HTAC

Umapela si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Health Technology Assessment Council (HTAC) upang ikonsidera ang pagbibigay permiso na gamitin ang COVID-19 vaccine na Covaxin sa Pilipinas.

Gawa ang Covaxin ng Indian firm Bharat Biotech.

Ayon kay Galvez, kakaunti na lamang ang mga bansang gumagamit ng Covaxin kaya nais niyang malaman kung ligtas pa rin ba itong gamitin.


Sa mga bakuna ng Covaxin, Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Sinovac, Sputnik V at Sputnik Light, Moderna, Sinopharm at Janssen… tanging ang Covaxin pa lamang ang hindi binibili ng Pilipinas.

Sa ngayon, patuloy ang paggiit ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na ligtas at epektibo ang lahat ng bakuna sa bansa na binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA).

Facebook Comments