Pagtiyak ng access sa komunikasyon sa mga taong may kapansanan sa pandinig, lusot na sa komite ng Kamara

Aprubado na sa House Special Committee on Persons with Disabilities ang substitute bill na nagsusulong na suportahan at matulungan ang mga “deaf Filipinos” sa access sa komunikasyon sa kanilang pang-araw-araw na mga aktibidad o gawain.

Sa ilalim ng panukalang ipinasa, pinabibigyan ng sapat na suporta ang mga may kapansanan sa pandinig tulad ng language interpreters at paglalagay ng subtitles.

Nakasaad sa panukala ang pagtatatag ng sistema para sa oral at signed communication ng mga ahensya sa edukasyon gayundin ang pagsasanay sa mga guro at iba pang pagbibigay ng support services tulad ng hearing aids at transcription services.


Ang mga istasyon ng mga telebisyon ay ioobliga naman na maglagay ng subtitles o signed communication sa kanilang mga programa upang maunawaan ng mga deaf individuals.

Ire-require naman ang lahat ng korte sa bansa na mag-hire ng accredited interpreters para sa pagsasagawa ng public hearings at mga imbestigasyon.

Facebook Comments