Ikinalugod ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang pagtiyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi babalik at hindi makipag-uugnayan sa International Criminal Court (ICC) ang pamahalaan sa kabila ng mga ibinunyag ni dating PCSO General Manager Royina Garma at ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa tungkol sa drug war ng dating administrasyong Duterte.
Ayon kay Dela Rosa, kung paniniwalaan ang pahayag ng Palasyo ay magandang balita ito.
Subalit, tanong ng mambabatas ay kung kontrolado ba ni Pangulong Marcos ang Kamara at si Speaker Martin Romualdez.
Sinabi ni Dela Rosa na dahil co-equal branch ng ehekutibo ang lehislatura ay hindi ito kontrolado ng pangulo.
Pero dahil si PBBM ang chief architect ng foreign policies ng bansa ay talagang daraan aniya sa presidente kung magdesisyon man ang Kamara na i-akyat sa ICC ang report ukol sa imbestigasyon ng Quad Committee sa war on drugs.