Pagtiyak sa kaligtasan ng mga turista, dapat tiyakin ng bawat lokal na pamahalaan at resort operators

Pinatitiyak ni House Committee on Tourism Vice Chairperson at Quezon City Rep. Marvin Rillo sa mga lokal na pamahalaan, may-ari o nagpapatakbo ng resorts at mga awtoridad ang kaligtasan ng publiko at mga turista sa bansa.

Giit ni Rillo, hindi pwedeng maging kampante pagdating sa seguridad ng mamamayan lalo na sa mga lugar na dinadayo ng mga turista.

Panawagan ito ni Rillo makaraang matagpuang patay ang 23-anyos na turistang Slovak national na si Michaela Mickova sa isang abandonadong simbahan sa Isla ng Boracay noong March 12.


Nagpahayag pakikiramay si Rillo sa pamilya ni Mickova kaakibat ang hiling sa mga awtoridad na siguraduhing mapananagot ang mga gumawa ng karumal-dumal na krimen.

Facebook Comments