Pagtiyak sa seguridad ng enerhiya, mandato ng DOE at hindi dapat ipasa sa iba

Sa halip na manisi ay iginiit ni Senator Win Gatchalian ang Department of Energy (DOE) na tugunan ang sitwasyon ng suplay ng kuryente bago pa ito lumala.

Pahayag ito ni Gatchalian makaraang ibinaling ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang pasanin sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa posibleng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon ngayong tag-init, kasama na ang election period.

Paliwanag ni Gatchalian, ang DOE ang may ligal na mandato at kapangyarihan para i-supervise at siguraduhin na lahat ng mga private companies ay sumusunod sa polisiya, patakaran at regulasyon para siguraduhin na may tuloy-tuloy na suplay ng kuryente.


Diin ni Gatchalian, trabaho ng DOE na tiyakin sa publiko ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente.

Kugnay nito ay plano ng pinamumunuan ni Gatchalian na Committee on Energy na magsagawa ng pagdinig sa susunod na buwan ukol sa mga plano at paghahanda ng DOE at iba pang stakeholders upang matiyak na walang brownouts na magaganap lalo na sa linggo ng pagsasagawa ng halalan.

Facebook Comments