May magandang pagbabago ang sitwasyon ng mga barko ng pamahalaan sa karagatang sakop ng bansa at ang galaw ng mga barko ng China.
Sa isang ambush interview, sinabi ng presidente na kung dati ay talagang hinaharas ng barko ng China ang mga sasakyang pandagat, sa huling monitoring aniya ay sinundan na lang nito ang ating barko.
Ang tinutukoy ng pangulo ay ang BRP Dagohoy na nagdala ng supplies sa Pag-asa Island kung saan sinundan ito ng isang barko ng China.
Ito ay magandang development ayon sa presidente.
Dahil dito sa projection ng BFAR, inaasahang lalaki ang huli ng mga mangingisda dahil muli silang nabigyan ng pagkakataong makapangisda muli sa mga teritoryo.
Patunay ito ayon sa pangulo na gumagana ang pag-uusap nila ni Chinese President Xi Jin Ping na unahing resolbahin ang concerns sa sektor ng pangisda.
Maging ang pagpapairal aniya ng fishing ban ay nagkasundo silang magkaroon muna ng koordinasyon para mapagplanunhan at hindi naman mabigla ang mga mangingisda.