Pagtugis sa Global Crime syndicates na nasa likod ng spam text messages, dapat tutukan ng mga awtoridad

Iginiit ni Senador Win Gatchalian sa mga awtoridad na makipagtulungan sa mga organisasyon at institusyong tumutugon sa international cybersecurity.

Ayon kay Gatchalian, ito ay upang masawata ang operasyon sa bansa ng mga dayuhang cyber criminals na marami ng nabibiktima.

Panawagan ito ni Gatchalian kasunod ng pahayag ng National Privacy Commission (NPC) na kagagawan ng mga dayuhang sindikato ang malawakang spam text messages na nag-aalok ng mga pekeng trabaho na mayroon daw malaking sahod at komisyon.


Ayon kay Gatchalian, matinding pagsasaliksik ang dapat isagawa ng mga awtoridad sa bagay na ito upang malantad kung sino talaga ang may pakana ng smishing activities.

Mungkahi ni Gatchalian sa Department of Information and Communications Technology (DICT), National Bureau of Investigation (NBI) cybercrime division at ang Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group, makipag-ugnayan sa mga international cybersecurity agencies upang matunton ang mga cyber criminals.

Facebook Comments