Pagtugis sa mga “ninja cops”, muling tiniyak ng PNP

Tiniyak ng Philippine National Police o PNP na patuloy ang paghahabol nila sa mga ninja cops o mga pulis na nagre-recycle ng mga ilegal na droga na kanilang nakukumpsika sa mga operasyon.

Ito kasunod ng pag-kwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP kung bakit buhay pa rin hanggang ngayon ang mga ninja cops.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac, naisiwalat na nila ang gawain ng mga ninja cops simula ng ideklara ang kampaniya kontra ilegal na droga.


Sa katunayan aniya ay mahigit 400 na mga pulis na ang nasibak sa pwesto dahil dito.

Matatandaang ilan sa mga pinangalanan ng Pangulo na ninja cops ay sina dating Police Colonel Leonardo Suan, Police Lieutenant Colonel Lorenzo Bacia, Inspector Police Lieutenant Colonel Conrado Caragdag, Police Executive Master Sergeant Alejandro Gerardo Liwanag, dating Police Director Ismael Fajardo at Colonel Eduardo Acierto.

Pagtitiyak ni Banac, patuloy ang internal cleansing sa pambansang pulisya.

Facebook Comments