Pagtugis sa mga suspect sa pagbaril sa isang lalaki sa Kabacan North Cotabato nagpapatuloy

Patuloy ang ginagawang pagtugis ng kapulisan sa mga suspect na nasa likod ng pagbaril at pagpatay sa isang lalaki sa bayan ng Kabacan sa lalawigan ng North Cotabato noong araw ng Huwebes. Hanggang sa ngayon ay blanko pa rin ang mga otoridad sa identity ng mga salarin.
Kinillala ang biktima na si Basit Karim , 50 anyos may-asawa,residente ng Rizal Avenue sa bayan ng Kabacan. Sa report ay nasa kanyang lumberyard ang biktima ng biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang mga salarin at siyay pinagbabaril gamit ang cal 45 pistol. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect sakay ng motorsiklo.
Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala habang inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo sa pamamaslang.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments