Pagtugon kontra child labor sa bansa, pinaigting pa ng DOLE

Pinaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang programa nito kontra child labors sa bansa.

Ito ay kasunod ng pagdiriwang ng ika-apat na anibersaryo ng National Council Against Child Labor (NCACL).

Sa naturang pagdiriwang, ginawaran ng certificate of eligibility ang mga magulang ng mga child laborer para sa livelihood assistance ng DOLE.


Nagbigay rin ng gamit pang-eskwela ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc., sa 100 bata na natukoy bilang child laborer.

Ang pinalakas na mekanismo at pakikipagtulungan upang wakasan ang child labor sa Pilipinas ang naging pangunahing tampok.

Ayon sa DOLE, naniniwala sila na ang mga bata ay dapat nasa paaralan at wala sa lansangan at mga pagawaan.

Ang mga kabataan ay dapat din anilang maging malaya, at hindi mga manggagawa.

Facebook Comments