Manila, Philippines – Pinuri ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines ang Department of Labor and Employment sa agarang pag akto nito sa panawagan ng mga Sales Lady na pag ban sa paggamit ng mga high heeled shoes sa kanilang trabaho .
Sinabi ni ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay umaasa ang labor group na sana maisama sa babalangkasing polisiya hindi lamang ang Sales Ladies kungdi pati na ang mga Promodizers sa Supermarkets, Waitresses, Hotel and Restaurant Receptionists, Flight Attendants at mga Lady Security Guards.
Una nang iniutos ni Labor Secretary Silvestre Bello sa Occupational Safety and Health Center , Bureau of Working Conditions at Bureau of Special Working Concerns ng DOLE na agad magbalangkas ng polisiya tungkol sa Occupational Safety and Health Hazards para sa salesladies na inobligang gumamit ng high-heel shoes ng kanilang Employer.
Tiniyak din ng kalihim na isasama din sa bubuuing polisiya ang pagbawal sa mga employer ang pag-obliga sa Sales Ladies, lalaki at babaeng Security Guards na nakatayo ng matagal sa kanilang trabaho.
Ikinatuwa naman ng mga Sales Lady at Gwardiya ang pag-aksyon ng DOLE sa kanilang kahilingan dahil malaking kaginhawaan ang hindi pagsuot ng high heels shoes at nakatayo sa trabaho ng mahigit 8 oras.