Pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic, posibleng abutin pa hanggang Setyembre!

Posibleng abutin pa hanggang Setyembre o Disyembre ang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay National Plan Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., hangga’t walang nadidiskubreng bakuna laban sa virus ay hindi maibabalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao.

Kasabay nito, sinabi ng opisyal na target ngayon ng gobyerno na maitaas sa 10,000 ang magagawang test kada araw.


Mahalaga aniya na agad na ma-detect, ma-isolate at magamot ang mga pasyenteng may COVID-19 para mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Sa ngayon, 16 na ang certified laboratories sa bansa na kayang magsagawa ng COVID-19 testing.

Facebook Comments