Binigyang-diin nina Senate President Tito Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon na walang dapat ikatakot sa Commission on Audit (COA) at imbestigasyon ng Senado ang kinauukulang mga ahensya o mga opsiyal ng gobyerno kung wala naman silang ginagawang mali.
Tugon ito ng mga Senador sa pahayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na nawalan ng sense of urgency o pagmamahadali ang pagtugon sa pandemya dahil sa takot na mapuna ng COA at pangamba na maimbestigahan ng Senado.
Pero paliwanag ni Drilon, mandato ng Comission on Audit (COA) na bantayan ang paggastos ng gobyerno at tungkulin naman ng mataas at mababang kapulungan ng Kongreso na panatilihin ang check and balance.
Giit naman ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan, bago pa man mag-imbestiga ang Senado ay mabagal na talaga aksyon ng ehekutibo sa COVID-19 pandemic.
Ikinatwrian naman ni Senator Risa Hontiveros na hindi porke nasa state of emergency ang bansa ay isasantabi na lang ang pagbabantay sa paggastos sa pera ng bayan.
Sabi naman ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, dapat isaalang-alang ang presyo sa paggastos ng gobyerno gamit ang buwis ng mamamayan, sa kahit na kanino mang administrasyon at lalo ngayong may pandemya habang naghihirap pa lalo ang maraming mga Pilipino.