Pagtugon ng pamahalaan sa epekto ng kalamidad, magiging komplikado dahil sa banta ng sunod-sunod na bagyo — PBBM

Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na posibleng maging komplikado ang sitwasyon ng pagtugon sa mga kalamidad dahil sa banta ng magkakasunod na bagyo sa bansa ngayong linggo.

Ayon sa Pangulo, bagama’t inaasahang lalabas na ng bansa ang Bagyong Nika ngayong araw ay posibleng pumasok naman ang mga Bagyong Ofel at Pepito.

Dahil dito, dapat pagplanuhang mabuti ang mga gagawing hakbang sa pagkakataong ito dahil kung kaagad nang aayusin ang mga sinira ng naunang bagyo, ay posibleng sirain lamang ito ng susunod na bagyo.


Kaugnay nito, pinayuhan ng Pangulo ang publiko na makinig sa kanilang mga lokal na pamahalaan at mga awtoridad, at kaagad umanong maghahatid ng tulong ang pamahalaan kung kina-kailangan.

Muli ring tiniyak ng Pangulo na nailatag na ang lahat ng paghahanda kaugnay sa inaasahang pagtama ng mga bagyo, kabilang ang maagang paglilikas sa mga residente, at pag-preposition ng mga kagamitan at relief goods.

Facebook Comments