Nilinaw ng Malakanyang na idinadaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pribadong paraan ang pagtugon sa ginagawang panghihimasok ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na dapat na ianunsyo sa publiko ang diplomatic initiatives at mga hakbang na ginagawa ng Pangulo.
Aniya, mas makabubuting hayaan na si Pangulong Duterte sa kanyang istilo.
“Needless to say kaya po iyan covered by exception dahil the President must make the right decision no matter what. So let’s leave the President to his devices, napakita naman po niya na so far in the past 5 years of his administration, we have moved from a position of antagonism with China to a position of friendship at malaki naman po ang mapapakinabang natin ngayong nakakapag-usap tayo ng bansang Tsina,” ani Roque.
Giit pa ni Roque, susunod ang Pilipinas sa codification ng Code of Conduct kung ang pag-uusapan ay ang panukalang pagtatayo ng istruktura ng marine features sa Spratly Islands at Pagkakaisa Bank para mapigilan ang panghihimasok ng ibang bansa.