Tiyak ng magpapatuloy ang pagpapatupad ng mga programa sa susunod na taon na tutugon sa COVID-19 pandemic at tutulong na makabangon muli ang ekonomiya.
Binigyang diin ito Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2021 national budget bukod sa pinalawig ding paggastos sa 2020 national budget at extension sa bisa ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Ayon kay Angara, pangunahing prayoridad sa 2021 budget ang pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 at ang pagpapalakas sa health system ng bansa.
Sabi ni Angara, nakapaloob din sa 2021 national budget patuloy na ayuda sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, gayundin sa mga biktima ng kalamidad at rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta nito.
Binanggit din Angara ang suporta sa distance o blended learning lalo na’t baka matagalan pa ang pagbabalik ng face-to-face classes dahil sa banta ng panibagong strain o variant ng COVID-19.