Pagtugon sa bagyo at paghahanda sa SONA, uunahin ni PBBM pagdating sa Pilipinas

Darating na sa Pilipinas ngayong gabi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos ang kaniyang state visit dito sa Estados Unidos.

Sa kapihan sa media dito sa Washington DC, sinabi ng pangulo na pagdating niya sa bansa ay agad niyang tututukan ang pagtugon sa bagyo at paghahanda sa kaniyang nalalapit na State of the Nation Address sa July 28.

Ayon sa pangulo, sa kabila ng kanyang biyahe sa Estados Unidos, hindi naman maaapektuhan ang preparasyon para sa kanyang ulat sa bayan.

Nasa 80% na aniyang tapos ang kaniyang talumpati at kasalukuyang isinasailalim na lamang sa fine-tuning at may sapat na oras pa para sa final revisions.

Samantala, binanatan naman ni Pangulong Marcos ang napaagang paglalagay ng mga tarpaulin para sa SONA habang patuloy ang pag-ulan at pagbaha dahil sa Bagyong Crising.

Hindi aniya tamang inuuna ang mga dekorasyon sa halip na ang agarang pagtugon sa epekto ng kalamidad.

Facebook Comments