Iginiit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mananatiling prayoridad ng pamahalaan ang pagtugon sa climate change.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, ang climate change ay nananatiling malaking krisis na kinakaharap ng mundo kaysa sa COVID-19.
Aniya, ang epekto nito ay mabagal pero matindi.
Ang pagbabago sa klima ay marami ang epekto na posibleng mauwi sa iba’t ibang problema mula sa ecosystem stability hanggang food production at human conflict.
Gagamitin ng pamahalaan ang COVID-19 pandemic bilang oportunidad para pabilisin ang mga hakbang sa pagtugon sa climate change.
Facebook Comments