Pagtugon sa COVID-19 at paghahanda sa bagyo, dapat parehong planuhin habang umiiral ang MECQ

Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa pamahalaan na gamitin ang dalawang linggong pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ hindi lamang sa pagpapahusay ng pagtugon sa COVID-19 kundi sa pagpaplano rin sa paparating na mga bagyo.

Ipinunto ni Recto na kung ang COVID-19 crisis ay parang unos, dapat nating tandaan na may mga bagyo pang parating dahil ang Pilipinas ay kasama sa top 5 na mga bansa na madalas tamaan ng kalamidad.

Iminungkahi ni Recto na sa paglalatag ng action plan ay bigyang konsiderasyon na ang mga paaralan na ginagamit na evacuation centers tuwing may bagyo o iba pang kalamidad ay ginagamit na ngayong quarantine facilities para sa dinadapuan ng COVID-19.


Diin pa ni Recto, dapat ding isama ang mga hakbang kung paano maiiwasan ang hawaan ng virus sa mga evacuation centers kung saan mahirap ipatupad ang social distancing.

Pinayuhan din ni Recto ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na iposisyon na ang mga relief goods sa mga lugar na palaging sinasalanta ng bagyo.

Ayon kay Recto, ang relief assistance na ito ay bukod pa sa mga ipapamahaging tulong sa mga pamilya na ang tagapagtaguyod ay kasamang nawalan ng trabado dahil sa pandemya.

Facebook Comments