Aminado ang Malacañang na malaking hamon at pahirapan ang paglaban sa COVID-19 bunsod ng lumalaking populasyon ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, problema sa pagtugon sa pandemya ang population density.
Malabong maipatupad ang social distancing kung marami talagang tao sa isang lugar.
Pero iginiit ni Roque na malaking sandata ng bansa habang wala pang gamot o bakuna ang physical distancing at ibang health protocols.
Nilinaw rin ni Roque na nananatiling episentro ng COVID-19 outbreak ang Metro Manila lalo na at nasa 14 milyon ang nakatira dito.
Sa kabila nito, tiniyak ng Palasyo na bumubuti na ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Facebook Comments