Naniniwala ang batikang political analyst na si Mon Casiple na ang naging pandemic response ng national at local leaders ang syang magiging sukatan ng mga botante sa 2022 election.
Paliwanag ni Casiple, ang kultura ng mga Pilipino ay hindi madaling nakakalimot sa pinagdaanan ng bawat isa sa panahon ng pandemic kung saan ang nakita nilang may nagawa ay ang may malaking puntos na mahalal.
Partikular na masusukat aniya sa ganitong batayan ang mga administration bets na tatakbo sa presidential post, mga mayors at governors.
Samantala, ganito rin ang palagay ng ilan pang analyst kung saan sinabi ni Victor Andres Manhit, presidene ng think tank Albert del Rosario Institute for Strategic and International Studies na ang naranasang kahirapan, gutom, kawalang trabaho, pagtaas ng presyo ng bilihin at pandemic ang syang malaking isyu sa 2022 election.
Giniit naman ni Michael Henry Yusingco ng Ateneo de Manila University Policy Center na ang pandemic response ng administrasyon ang magpapabagsak sa popularidad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang nakatanggap ng batikos sa pagtugon sa mataas na COVID cases sa kanyang lungsod si Davao City Mayor Sara Duterte na matunog ngayong tatakbo sa presidential race.