Pagtugon sa epekto ng Lambda at Delta variant, dapat maging parehas ayon sa isang eksperto

Ipinanawagan ng isang eksperto sa gobyerno ang pagiging parehas ng pagtugon sa Lambda at Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, head ng adult infectious diseases sa San Lazaro Hospital, mayroong posibilidad na kapareho ng Lambda ang transmission ng Delta variant.

Maituturing namang nakababahala ang nasabing variant lalo’t natuklasan na binabawasan ng Lambda variant ang pagiging epektibo ng bakuna.


Ang Lambda variant ang nagpapataas ng kaso sa mga bansa sa Latin American, Peru, Argentina, at Chile.

Nitong Linggo, naitala ang kauna-unahang kaso ng Lambda variant sa isang 35 anyos na babae na nagpositibo sa COVID-19 nitong Hulyo at nakarekober na.

Facebook Comments