Pagtugon sa forest fire, tinalakay ng isang kongresista sa PAF

 

Binisita ni Benguet Rep. Eric Yap ang Philippine Airforce (PAF) at kanyang tinalakay kung paano pa pagtitibayin ang forest fire suppression efforts sa kanilang lalawigan.

Ayon kay Yap, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy silang umaaksyon upang tugunan ang sunod-sunod na forest fires tulad sa Cordillera region.

Nagbigay rin si Yap ng asin para sa cloud seeding operations.


Binanggit ni Yap na laging ding nakahanda ang “Mobile Tulong” para magpaabot ng agarang tulong sa mga komunidad na apektado ng sunog sa kagubatan.

Kaugnay nito ay nanawagan si Yap sa lahat ng pagtutulungan para maiwasan at maagapan ang forest fires.

Diin ni Yap kailangang maging alerto at maingat para sa kaligtasan at proteksyon laban sa pagkasunog ng mga kagubatan.
######

Facebook Comments