Hinahanda na Dagupan City Engineering Office ang kanilang plano upang matugunan ang inirereklamong drainage sa isang bahagi sa Magsaysay Fish Market sa lungsod.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa opisyal ng lungsod, nakatakdang ischedule ang pagsasaayos sa nabanggit na problema sa nasabing drainage.
Paglilinaw nito na ang lumalabas umanong putik na siya ring pinakaproblema ng mga negosyante sa bahaging ito ay mula sa septic tank.
Dagdag niya, ang umaapaw namang tubig ay dahil sa high tide na kadalasang nararanasan sa bahaging iyon.
Matatandaan na inihayag na ilang mga vendors ang problema kung saan nakakaapekto na umano ito sa kanilang kalusugan dahil sa masangsang na amoy na nagmumula rito. Tiniyak ng tanggapan na masosolusyunan ang isinangguning problema. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









