Umapela si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Local Government Units (LGUs) na maghanap ng epektibong paraan para tugunan ang kakulangan ng bansa sa syringes o hiringgilya na ginagamit sa pagtuturok ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Galvez, ang kakulangan ng mga hiringgilya ang pangunahing problema ng mga bansa sa buong mundo sa gitna ng paglaban sa pandemya.
Partikular na ito sa pagtuturok ng bakuna ng Pfizer na gumagamit ng 0.3 na karayom.
Nabatid na noon pa, sinabihan na ni Galvez ang mga LGU na bumili ng mga syringe at gamitin din ang tuberculin syringes bilang pamalit.
Una na ring binalaan ng World Health Organization (WHO) ang mga bansa dahil sa shortage sa 2 billion syringes na ginagamit sa pagbabakuna.
Facebook Comments