PAGTUGON SA KASO NG RABIES SA DAGUPAN CITY, TINUTUTUKAN

Tinututukan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pagtugon sa rabies cases na may layong mabawasan o mapababa ang kaso nito sa lungsod.
Alinsunod dito, iiimplementa ang Animal Bite Treatment Center services na 3 step process partikular para sa mga pasyenteng nakagat ng mga hayop.
Matatandaan na base sa pinakahuling tala ng ng Department of Health – Center for Health Development Region 1, nasa 24 na rabies cases ang naitala sa buong Rehiyon at tumaas ang porsyento nito kumpara noong mga nakaraang taon.

Mayroong sampung naitala sa Ilocos Norte, dalawa sa Ilocos Sur, tatlo naman sa La Union, at siyam sa Pangasinan.
Muling pinaalahahan ang publiko na maiging ipabakuna ng Anti Rabies ang mga alagang hayop upang maiwasan ang kaso ng Rabies sa mga nakagat na indibidwal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments