Isinusulong sa lungsod ng Dagupan ang kaalaman ukol sa kinakaharap na climate change maging mga aksyon at hakbangin na nararapat upang matugunan ang nasabing suliranin.
Alinsunod dito, pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng lungsod katuwang ang Department of Education Dagupan Schools Division Office sa naganap na Regional Climate Change Caravan (RCCC) na bahagi naman ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week ngayong buwan ng Nobyembre at naaayon din sa United Nations’ Sustainable Development Goals (SDGs) Climate Action.
Tinalakay ang iba’t-ibang isyu at kaalamang nakapaloob sa Climate Change at ibinahagi sa mga mag-aaral ang mga kakailanganing solusyon upang maibsan ang epekto nitong nararanasan ngayon.
Samantala, hinikayat ni Mayor Fernandez ang mga nakilahok sa aktibidad na makisama, tumulong at makialam sa pagsusulong ng mga solusyon laban sa Climate Change. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments