Pagtugon sa learning loss, binigyang-diin ng DepEd sa selebrasyon ng “Araw ng Pagbasa” ngayong Linggo

A student reads her textbook during a dry run at Lakan Dula Elementary School in Tondo, Manila on Aug. 19, 2022 for the opening of face-to-face classes on Aug. 22, 2022. Photo by Edd Gumban, The Philippine STAR

Hinikayat ng Department of Education ang mga bata na magsanay na magbasa.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng Araw ng Pagbasa ngayong araw, November 27, sa bisa ng Republic Act No. 10556.

Ayon sa kagawaran, layon ng selebrasyon na bigyang-diin ang papel ng pagbabasa at literacy sa pagtataguyod ng critical thinking ng mga estudyante.


Kaugnay nito, hinimok din ng DepEd ang mga magulang na sanayin sa pagbabasa ang kanilang mga anak sa murang edad pa lang bilang tugon na rin sa kinakaharap na learning loss ng bansa dulot ng pandemya.

Matatandaang batay sa inilabas na ulat ng World Bank noong Hulyo, isa ang Pilipinas sa mga bansa sa East Asia at Pacific Region na may pinakamataas na learning poverty rate.

Lumabas na 91% o siyam sa bawat sampung batang Pilipino na 10-taong gulang ang hindi nakakabasa at nakakaintindi ng isang simpleng pangungusap.

Facebook Comments