PAGTUGON SA MGA MALALAKING EMERGENCY, PINAGHANDAAN NG MGA HEALTH WORKERS SA DAGUPAN CITY

Kasunod ng posibleng banta ng sakuna at malalaking emergency, ibinababa sa mga health workers sa Dagupan City ang wastong kaalaman at kasanayan ukol sa Mass Casualty Management.

Sa naturang pagsasanay, ibinahagi ng mga facilitator ang kanilang aktuwal na karanasan sa paghawak ng mass casualty incidents at nagbigay ng mga praktikal na hakbang kung paano mapapabilis ang pag-susuri ng mga pasyente.

Labindalawang (12) facilitators na pawang mga doktor at nars mula sa ilang malalaking ospital sa bansa tulad ng San Lorenzo Ruiz General Hospital, Cagayan Valley Medical Center Ilocos Regional Medical Center, Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center at iba pa.

Higit dito, binigyang-diin sa pagsasanay na sa sakuna, higit sa kagamitan, ang kahandaan ng mga health workers ang tunay na puhunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments