Pagtugon sa mga problema ng bansa, mas dapat gawin sa halip na amyendahan ang konstitusyon

Para kay Akbayan Party-list Representative Atty. Chel Diokno, darating ang tamang panahon para gawin ang pag-amyenda sa ating Saligang Batas.

Sa ngayon, iginiit ni Diokno na mas kailangang iprayoridad ang pagtugon sa mga problema ng mga ordinaryong Pilipino bago pag-usapan ang Charter Change (Cha-Cha).

Pangunahing mga suliranin na tinukoy ni Diokno ang sobrang pagtaas ng presyo ng bilihin at pagkain, problema sa employment at underemployment, krisis sa edukasyon, at hindi lahat ay may access sa serbisyong pangkalusugan.

Dagdag pa ni Diokno, kulang na rin ang oras para maisagawa ang Cha-Cha.

Tugon ito ni Diokno ng hingan ng reaksyon sa paghahain ni Ako Bicol Party-list Representative Alfredo Garbin Jr., ng Resolution of Both Houses No. 1 na nagsusulong ng pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Facebook Comments