Patuloy na itinataguyod sa pangunguna ng Office of the Civil Defense Regional Office 1 ang disaster response at management sa buong Rehiyon Uno.
Alinsunod dito, isinagawa ang dalawang araw na oryentasyon na may kaugnayan sa mga kaalaman ukol Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) na nilahukan ng mga LDRRMOs ng rehiyon.
Tinutukan sa naganap na pulong ang simulation exercise kung saan naibahagi ang kakayahan at kaalaman ng mga kawani pagdating sa pagtugon sa banta ng kalamidad lalo na ang lindol at tsunami.
Binigyang-diin naman ni OCD RO1 RD Laurence Mina ang nararapat na aktibong partisipasyon ng mga LDRRMOs lalong lalo ang pagrereport sa mga naitatalang insidente sa kani-kanilang nasasakupang lugar.
Saklaw pa ng aktibidad ang pagtalakay sa Magna Carta for Public DRRM Workers, Pre-Disaster Risk Assessment Guidelines, RDRRMC1 Standard Operating Procedures at Guidelines on the Reporting Template. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









