Binigyang-pansin ng Coast Guard District Northwestern Luzon (CGDNWLZN) ang mas maigting na pagtugon sa mga ulat ng pang-aabuso sa kababaihan at kabataan sa pakikilahok nito sa 2025 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW).
Sa inilunsad na kick-off activity kahapon, Nobyembre 24, muling pinagtibay ng Coast Guard ang kanilang mandato na tiyaking ang bawat reklamo ng pang-aabuso ay natutugunan nang mabilis, maayos, at may sapat na suporta para sa mga biktima.
Kasabay nito, binigyang-diin ng CGDNWLZN ang kahalagahan ng pagpapalawak ng kaalaman sa gender sensitivity, pagrespeto sa karapatan ng kababaihan at kabataan, at ang kolektibong responsibilidad ng komunidad sa pagpigil sa karahasan.
Tiniyak din ng ahensya ang pagpapatuloy ng mga hakbang para sa ligtas at suportadong kapaligiran sa mga komunidad na kanilang nasasakupan, kabilang ang pagbibigay ng legal at psychological assistance sa mga naaapektuhan ng pang-aabuso.







