PAGTUGON SA NUTRISYON NG BAWAT PAMILYA SA REHIYON UNO, PATULOY NA PINALALAKAS NG NNC

Mas pinalakas pa ng National Nutrition Council Region 1 ang kanilang kampanya sa kapakanan ng pamilyang nutrisyon at mawakasan ang kagutuman sa rehiyon.

Sa gawad parangal na isinagawa ng ahensya,kinilala ang mga lokal na tanggapan at mga indibidwal na malaki ang gampanin sa pagtutok sa nutrisyon ng mga bata at pamilya sa mga komunidad.

Binigyan diin ni NNC R1 Officer in Charge, Kendall Pilgrim Gatan ang importansya ng pagsunod sa mga programang kanilang inilulunsad ng mga LGU upang matiyak na natututukan ang nutrisyon ng bawat pamilya.

Isa sa nabigyan ng parangal ay si Ms. Rashima De Guzman, isang Barangay Nutrition Scholar ng Barangay Lomboy, Dagupan City kung saan binigyang diin ang patuloy na pagsisikap na matugunan ang malnutrisyon ng mga bata sa kanilang island barangay.

Samantala, iba’t-ibang munisipalidad pa sa buong rehiyon ang nabigyan ng parangal na pagpapatunay sa patuloy nilang pagsuporta sa lahat ng mga programa ng NNC na may kinalaman sa nutrisyon ng mga bata at pagbibigay ng tulong pangkabuhayan sa kanilang mga magulang.

Facebook Comments