Aprubado na rin ng mayorya sa Dagupan City ang pondong nakalaan para mga proyektong inaasahang reresolba sa matagal nang problema sa basura ng lungsod.
Nasa 19,500,000 pesos ang pondong nakalaan para sa mga proyektong tutulong upang tuluyan na masolusyonan ang basura.
Ilan sa mga pinondohan ay ang procurement sa anim na unit ng bagong dump trucks sa ilalim ng Waste Management Division.
May inilaan rin na pondo para sa konstruksyon ng gate at guard house at ng dumpsite sa bahagi ng Bonuan, Binloc, sa nasabing lungsod.
Matatandaan na ang dumpsite sa lungsod ay matagal nang ginagawan ng paraan upang ito ay maipasara dahil sa bundok-bundok na tambak na basura na siyang nagdudulot ng panganib sa mga residenteng nakatira malapit sa lugar.
Sa kasalukuyan ay nakasara ang dumpsite at malaking tumpok ng basura na rin ang natanggal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





