Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang mga flood mitigation projects o mga hakbnagin at proyekto na iibsan sa problemang pagbaha sa lungsod.
Matatandaan na madalas makaranas ang syudad ng pagbaha dulot ng hightide season, pag-ulan at pagbagyo at maging ang pinakasanhi ng pagbahang nararanasan ngayon – ang pag-apaw ng Sinucalan River na nakatayo sa bayan ng Sta. Barbara.
Ilang mga hakbang ang inihahanda na ng lokal na pamahalaan tulad ng mga proyektong road elevation na isang nakikitang solusyon upang makatulong sa pagbaha. Sa ngayon ay nasa 70% na ang ginagawang konstruksyon ng pagpapataas ng kalsadahan partikular sa AB Fernandez at maaari na itong daanan ng mga motorista.
Kabilang naman sa iba pang nakikitang solusyon sa pagbaha ay ang malawakang dredging operations , pagpapatibay ng mga dikes, rehabilitasyon ng creeks at outlets, pag-operate ng floodgates at ang kasalukuyang elevation o pagpapataas ng mga kakalsadahan at pagpapalaki ng mga drainages na naumpisahan na sa unang phase sa bahagi ng Arellano St. at AB Fernandez Ave. |ifmnews
Facebook Comments