PAGTUGON SA PROBLEMANG PAGBAHA SA MGA BARANGAY SA DAGUPAN CITY, TINUTUTUKAN

Tinututukan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pagtugon sa problemang pagbaha na matagal ng suliranin ng mga residente ng lungsod lalo na sa panahon ng high tide at kapag may mga pag-ulan at bagyo.
Kaliwa’t-kanan ang isinasagawang site inspection na pinangungunahan ng alkalde sa mga bahagi sa Barangay na nakikitaan ng mataas na pagbaha particular sa mga Barangay Tambac, Lucao, Mayombo, Carael, Herrero, Calmay, Mayombo, PNR Site, Poblacion Oeste at Perez.
Alinsunod dito, katuwang ang City Engineering Office ay inihahanda na ang planong mag Upgrade of Pathways at paggawa ng mga drainages na nakikitang makatutulong umano upang maibsan ang pagbaha sa ilang Barangay.

Bahagi ito sa programang Flood Mitigation Projects sa lungsod na sa kasalukuyan ay nagpapatuloy sa pagpaplano ng komprehensibong solusyon sa baha sa pagbuo ng bagong Flood Mitigation Commission kailan lamang sa bisa ng nilagdaan ng alkalde na Executive Order No. 14, Series of 2023 katuwang pa ang ilang kawani ng LGU at iba pang ahensya, organisasyon at kumpanya.|ifmnews
Facebook Comments