Pagtukoy na ipatutupad na alert level sa isang lugar, nasa kamay ng DOH ayon sa DILG

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson Usec. Jonathan Malaya na ang Department of Health (DOH) ang tutukoy kung anong alert level ang isasailalim sa isang lugar.

Ayon kay Malaya, kukuhanin ng DOH ang mga datos sa bawat ospital na may kaugnayan sa mga kaso ng COVID-19 tulad ng kabuuan ng bed utilizations rate at ICU utilizations rate.

Aniya, base sa mga datos ng kaso ng naturang sakit ay titimbangin ito ng DOH at dito kukunin kung ano ang ipapatupad na alert level.


Samantala, plantsado na ng pamahalaan ang ipapatupad na “Alert Level system with granular lockdown” sa Huwebes, Setyembre 16.

Facebook Comments