Bumagal ang pagtukoy ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 variants sa Pilipinas nitong mga nakalipas na linggo.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, aabot na sa dalawang linggo na hindi sila nakakapagtala ng mga indibidwal na mayroong COVID-19 variants dahil sa kakulangan ng genome sequencing kits dahil sa isyu sa logistics.
Inaasahang masosolusyunan naman ito sa lalong madaling panahon kasabay ng pagdating mga suplay ngayong darating na linggo.
Matatandaang aabot sa P362 million ang inilaan ng gobyerno para palakasin ang COVID-19 genome sequencing efforts na makakatulong upang malaman kung nahawa ang isang indibidwal sa mga variant ng COVID-19.
Facebook Comments