Mas pinaigting pa ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagtukoy nito sa mga deepfake material para sa maigting na kampanya kontra fake news.
Ito’y kasunod ng kumalat na deepfake ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa social media kamakailan.
Ayon kay PCO Assistant Sec. Rowena Hidalgo-Otida na sa katunayan ay tinalakay nila ito inilunsad na Campus Caravan.
Sa naturang caravan, may inilabas na larawan na pinahulaan sa mga estudyante kung ano deepfake at umabot lamang sa hanggang lima ang nakuha ang tamang sagot.
Dahil dito, pinayuhan ng PCO ang publiko na magbasa at maging mapanuri sa mga website na bibisitahin.
Facebook Comments