Pagtukoy sa mga drug personalities kabilang ang mga narco-politicians ay bunsod ng paggamit ng wiretapping

Manila, Philippines – Inamin ng Malacañang na dahil sa wiretapping kaya natutumbok ng pamahalaan ang mga personalidad na sangkot sa iligal na droga kabilang ang mga tinaguriang narco-polticians.

Pero paglilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi ang gobyerno ang gumagawa ng wiretapping activity kundi ang ilang bansa gaya ng China, US, Russia at Israel.

Aniya, ginagamit ito ng mga law enforcement agencies bilang lead sa ginagawang imbestigasyon at entrapment operations dahil wala raw kakayahan ang mga law enforcers sa Pilipinas na magsagawa ng wiretapping.


Sabi pa ni Panelo, desidido ang Malacañang na isapubliko na ang narcolist sa susunod na linggo.

Aniya, hindi pwedeng umangal ang mga kasama sa listahan at igiit na paglabag ito sa presumption of innocence.

Facebook Comments