Pagtukoy sa mga nakasalamuha ng Pumanaw na COVID-19 Patient sa Nueva Vizcaya, Puspusan na

*Cauayan City, Isabela*-Mahigpit ngayon ang ginagawang pagtukoy sa mga posibleng nakasalamuha ng pumanaw na pasyente na nagpositibo sa COVID-19 sa Probinsya ng Nueva Vizcaya.

Ayon kay Governor Carlos Padilla, ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa kabila ng patuloy na banta ng nakamamatay na sakit.

Inaalam din ang pagtukoy sa mga medical staff na umasikaso sa nasabing pasyente para isailalim sa home quarantine habang kinakailangan umano na madisinfect ang hospital ng Regional Trauma Center sa probinsya.


Sinabi pa ng Gobernador na ang nasabing pasyente ay nasa morgue pa at ididiretso na agad ito sa libingan dahil wala ng isasagawang lamayan batay na rin sa protocol ng Department of Health.

Matatandaang binawian ng buhay ang pasyente ng COVID-19 na kinilalang si Romeo Resile, 65 anyos, at residente ng Brgy. Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Paalala naman sa publiko na ugaliin pa rin ang social distancing para makaiwas sa banta ng covid-19.

Facebook Comments