Pagtukoy sa nilalaman ng flight data recorder sa bumagsak na C-130 aircraft, magtatagal ng isang buwan

Aabutin ng isang buwan bago makuha ang resulta sa flight data recorder sa bumagsak na C-130 aircraft na ngayon ay ina- analyze na sa Amerika.

Ayon kay Philippine Air Force (PAF) Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, naipadala na sa Estados Unidos ang flight recordings o black box ng bumagsak na C-130.

Sa ngayon aniya, masyado pang maaga para sabihin ang dahilan ng pagbagsak ng C-130 aircraft kaya dapat aniyang hintaying matukoy ang laman ng flight data recorder.


Aniya pa, lahat ng posibleng anggulo ay tinitingnan ng mga imbestigador.

Matatandaang natapos na ang pagrekober sa mga bahagi ng bumagsak na aircraft at ilan sa mga ito ay dinala na sa Mactan Air Base para sa gagawing “repair and reconstruction.”

Samantala, tiniyak naman ng PAF sa pamilya ng mga nasawing sundalo na matutukoy ang lahat ng kanilang mga kaanak na namatay sa trahedya sa pamamagitan ng dental records ng mga ito bago maihatid sa kanila.

Facebook Comments