Pagtukoy sa presidentiable na gumagamit ng cocaine, ipinauubaya na ng Malakayang kay Pangulong Duterte

Iginiit ng Palasyo ng Malakanyang na nasa pagpapasya na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung papangalanan niya ang isang presidential candidate na gumagamit ng cocaine.

Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, mas makabubuting hintayin na lamang kung kailan ito tutukuyin ng pangulo.

Aniya, baka sakaling magbigay ang pangulo ng dagdag na pahayag hinggil dito sa kaniyang mga susunod na public engagements.


Kasabay nito, nilinaw ni Nograles na walang plano ang Malakanyang na hamunin ang lahat ng tumatakbo sa pagkapangulo na sumailalim sa drug test.

Ang pagpapa-drug test aniya ay boluntaryo lamang o desisyon na mismo ng kandidato.

Facebook Comments