Hindi pinalampas nina House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at House Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party-list Representative Arlene Brosas ang pagbatikos ni Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng House Committee on Good Governance and Public Accountability.
Ayon kay VP Sara, layunin ng pagdinig na sirain sya at ang kanyang opisina para matiyak na hindi sya makakaporma sa 2028 presidential elections at upang maihanda ang impeachment laban sa kanya.
Tumanggi rin si VP na manumpa bago magsalita sa pagdinig at agad din itong umalis.
Giit ni castro, nakakadismaya ang aksyon ng ikalawang pangulo na malinaw na pagtalikod sa tiwala at sa kanyang pananagutan sa mamamayang Pilipino.
Dagdag pa ni Castro ang pagtanggi ni VP Sara na manumpa na magsasabi ng totoo ay indikasyon na aatakihin lang niya ang Kongreso at magsisinungaling lang sa pagdinig.
Para naman kay Rep. Brosas, ang ginawa ni VP sara ay kadramahan lang at sensyales ng pagiging guilty at pagkakaroon ng itinatago lalo na sa isyu ng paggastos nito sa confidential funds.