Binati ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr., ang 2nd Infantry Jungle Fighter Division sa kanilang pagtulong sa mga komunidad na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Sa kaniyang pahayag sa ika-47 anibersaryo ng 2nd Infantry Division sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal, sinabi ni Galvez na ang suporta ng Jungle Fighters ay malaking tulong para mabawasan kahit papano ang epekto ng oil spill sa kalikasan at sa mga apektadong komunidad.
Tumulong kasi ang mga sundalo sa Philippine Coast Guard sa pag-contain ng oil spill at sa paglikas ng ilang mga residente sa Oriental Mindoro na nagkakasakit na dahil sa masangsang na amoy.
Samantala, pinuri rin ni Sec. Galvez ang iba pang accomplishments ng Jungle Fighters, kabilang ang kanilang matagumpay na laban sa insurhensya, na nagbigay ng pagkakataon sa mga dating rebelde na makapagbagong-buhay.
Gayundin ang kanilang aktibong pagtulong sa law enforcement operations laban sa iligal na droga, kriminalidad, illegal logging, illegal fishing, pangangalaga sa kalikasan at pagtiyak ng kaligtasan ng mga mamamayan at kanilang kabuhayan sa Calabarzon at MIMAROPA.